Lea Salonga, nakamit ang unang Grammy nomination para sa ‘Once on This Island’

By Angellic Jordan December 08, 2018 - 07:33 PM

Photo grab from Lea Salonga’s Instagram account

Isa nang ganap na Grammy nominee ang Broadway star na si Lea Salonga.

Si Lea, kasama ang buong cast ng Broadway musical na ‘Once on This Island’,’ ay nominado para sa 2019 Grammy Awards Best Musical Theater Album.

Gamit ang kaniyang Instagram account, nag-post si Lea ng larawan para ibahagi ang magandang balita sa kaniyang mga tagahanga.

Gumanap si Lea bilang si Erzulie, ang Goddess of Love sa naturang musical.

Photo grab from Lea Salonga’s Instagram account

Masaya aniya siyang ibahagi ito kasama ang kaniyang Island family.

Dagdag pa ng aktres, sa edad na 47, posible pa rin pala aniyang makamit ang pangarap na maging nominado sa Grammy Awards.

TAGS: 2019 Grammy Awards, Best Musical Theater Album, Lea Salonga, Once on this Island, 2019 Grammy Awards, Best Musical Theater Album, Lea Salonga, Once on this Island

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.