1 patay sa salpukan ng dalawang trak sa Misamis Oriental

By Len Montaño December 08, 2018 - 03:53 PM

Patay ang isang babae sa salpukan ng dalawang trak sa Laguindingan, Misamis Oriental Sabado ng umaga.

Wala pang pagkakilanlan ang pulisya sa babaeng namatay sa aksidente.

Ayon sa pulisya, nag u-turn ang isang pick-up truck sa Purok 4 Poblacion nang mahagip ito ng isang 10-wheeler truck na may kargang kaha-kaha ng mga beer.

Ang babae ay kasama ng driver ng pick-up at pareho silang dinala sa Alubijid Provincial Hospital.

Nasawi kalaunan ang babae habang ang kasamang lalaki ay inilipat sa Northern Mindanao Medical Center.

Tinutugis ng mga pulis ang tumakas na driver ng 10-wheeler truck.

TAGS: banggaan, Misamis Oriental, banggaan, Misamis Oriental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.