2 pulis-Maynila, arestado dahil sa ilegal na tupada

By Alvin Barcelona December 08, 2018 - 03:14 PM

Inquirer file photo

Dalawang pulis ang sabay na inaresto ng Philippine National Police – Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) sa aktong nagsasabong sa isang ilegal na tupadahan sa Tondo, Maynila Sabado ng tanghali.

Kinilala ang dalawa na sina PO2 Melchor Rawi at Emerson Prutas, mga kagawad ng Manila Police District Station 1.

Ang dalawa ay naka-uniporme pa nang damputin at kumpiskahin ang dalawa nitong baril, manok, tare at P15,000 na pantaya.

Nabatid na protektor din ang dalawa ng ilegal na tupada na matagal na nang inirereklamo ng mga opisyal ng barangay dahil sa gulo na idinudulot nito.

Nasa kustodiya na ang mga pulis ng CITF sa Camp Crame at nahaharap sa kasong administratibo at illegal cockfighting.

TAGS: cockfighting, MPD, PNP CITF, PO2 Emerson Prutas, PO2 Melchor Rawi, tupada, cockfighting, MPD, PNP CITF, PO2 Emerson Prutas, PO2 Melchor Rawi, tupada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.