Katawan ng Pinay, natagpuan sa isang ilog sa Malaysia – DFA

By Angellic Jordan December 08, 2018 - 03:05 PM

Natagpuan ang katawan ng isang Filipina sa isang ilog sa Sabah, Malaysia.

Kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang biktima na si Madelyn Bernardo Asuncion.

Si Asuncion ay taga-Zamboanga City ngunit sampung taon nang nakatira sa kaniyang ama sa Malaysia.

Sinabi ng isang plantation worker na nakita ang katawan ni Asuncion na palutang-lutang sa Pengalan River noong November 28, 2018.

Ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose, posibleng homicide ang kaso base sa nakitang ebidensya ng mga otoridad.

Nagparating naman ng pakikiramay ang kagawaran at Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa naiwang pamilya ng biktima.

Sa ngayon, hinihintay pa ng embahada ang official report at resulta ng autopsy mula sa mga otoridad.

TAGS: DFA, Madelyn Bernardo Asuncion, Malaysia, Pengalan River, DFA, Madelyn Bernardo Asuncion, Malaysia, Pengalan River

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.