Inihanda na ng Estados Unidos ang agarang pagbabalik sa Pilipinas ng Balangiga bells.
Ang dalawang kampana na mula sa simbahan sa Balangiga, Eastern Samar ay kinuka ng US Army bilang pabuya sa giyera noong 1901.
Sa larawan na inilabas ng US Embassy sa Manila, makikita na inilagay ang Balangiga bells sa wooden crates at isinakay sa isang trak ng FedEx.
Ang litrato ay kinunan sa F.E. Warren Air Force Base sa Cheyenne, Wyoming noong November 15.
Dumating sa Guam ang mga kampana noong December 4 at inaasahang maibabalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.
Ayon kay embassy press attache Molly Konscina, tiniyak ni US Defense Sec. Jim Mattis na darating sa Pilipinas ang Balangiga bells sa maayos na kundisyon.
Sa kanyang State of the Nation Address noong 2017, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang masauli sa bansa ang mga kampana dahil ang mga ito anya ay national heritage.