Sa isang panayam, sinabi ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP public affairs committee na hindi dapat maging padalos-dalos sa pagbibitaw ng mga salita na maaaring magpalala lamang sa sitwasyon.
Aniya, hindi kailangan ang word war dahil hindi naman nito mareresolba ang usapin.
Iginiit pa ni Fr. Secillano na hindi na kailangang patulan ang mga banat ng Presidente dahil hahaba lamang at hindi matatapos ang isyu.
Reaksyon ito ni Fr. Secillano sa naunang pahayag ni Pangulong Duterte na “patayin” ang mga obispo.
Ipinagtanggol din ng Malacañang ang nasabing pahayag na ayon kay Presidential Spokesperon Salvador Panello ay “hyperbole” lamang.
Nauna dito ay bumuwelta na rin ang ilang mga obispo sa mga banat ng pangulo sa pagsasabing epekto ng pag-inom ng gamot at taong may sakit ang resulta ng mga pahayag ng punong ehekutibo.