Opisyal ng CBCP umapela sa mga obispo na hwag makipag-sagutan sa pangulo

By Jimmy Tamayo December 08, 2018 - 10:36 AM

Nanawagan ng hinahon sa mga kaparian ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa paring katoliko.

Sa isang panayam,  sinabi ni Fr. Jerome Secillano,  executive secretary ng CBCP public affairs committee na hindi dapat maging padalos-dalos sa pagbibitaw ng mga salita na maaaring magpalala lamang sa sitwasyon.

Aniya, hindi kailangan ang word war dahil hindi naman nito mareresolba ang usapin.

Iginiit pa ni Fr. Secillano na hindi na kailangang patulan ang mga banat ng Presidente dahil hahaba lamang at hindi matatapos ang isyu.

Reaksyon ito ni Fr. Secillano sa naunang pahayag ni Pangulong Duterte na “patayin” ang mga obispo.

Ipinagtanggol din ng Malacañang ang nasabing pahayag na ayon kay Presidential Spokesperon Salvador Panello ay “hyperbole” lamang.

Nauna dito ay bumuwelta na rin ang ilang mga obispo sa mga banat ng pangulo sa pagsasabing epekto ng pag-inom ng gamot at taong may sakit ang resulta ng mga pahayag ng punong ehekutibo.

TAGS: CBCP, duterte, executive director, Fr. Jerome Secillano, word war, CBCP, duterte, executive director, Fr. Jerome Secillano, word war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.