Arnold Reyes dream come true makapag travel abroad kasama ang ama
Sa Korea magdiriwang ng Pasko ang award-winning actor na si Arnold Reyes kasama ang kanyang ama na matagal nya nang pinag-ipunan.
Pagtupad ito sa kanyang pangarap na maipasyal ang kanyang ama sa ibang bansa at makapagbigay nang mahabang oras.
Wala na raw syang hihilingin pa ngayong pasko kundi ang patuloy na pagdating ng projects.
Iyan ang kanyang Christmas wish.
Sa ibibigay na oras para sa ama sa pasko sa Korea, isa raw ‘yun sa mga hindi nya makakalimutang pasko sa kanyang buhay.
Akalain mo.
Pagbubunyag ng actor, 40 plus na raw ang kanyang edad. Akala kasi ng karamihan ay 27 o 28 lamang sya.
Ibinahagi nya rin na nagsimula sya talaga sa industriya bilang isang singer at songwriter.
May mga sinalihan na syang songwriting competition at ang hindi nya makakalimutan ay ang piece nya na “Kung Ako Ba Siya” na nanalo sa Himig Handog 2002 na inawit ni Piolo Pascual.
Hindi rin alam ng karamihan na si Arnold ang nagsulat ng kantang “Perry’s Will” na binigyang buhay ni Regine Velasquez sa kanyang album na “Dadalhin.”
May mga nasulat na rin syang awitin para kay Ogie Alcasid at sa iba pang bigating singers.
Sana ay may forever.
Ngayong taon, may handog na kanta ang actor sa lahat ng kanyang mga tagahanga produced by Lorna Tobias. Kasama ang kanyang isinulat na kanta sa album na “Sana May Forever.”
Ang album ay ginawaran ng PMPC ng Star Awards for Music Best Compilation Album 2018.
Part din ng album ang Pinoy Dream Academy winner na si Laarni Lozada na inawit ang “Ikaw ‘Yun.”
Mapapakinggan din sina Lharby Policarpio, Brenan Espartinez, Jingle Buena, Suy Galvez, Pat Cardoza, Chivas Malunda, Faith Cuneta, at Renz Verano.
Mapapanood ang music video ng “Sana May Forever” na mismong si Arnold ang gumanap na actor. Nasa digital platform na at lumabas na rin ang physical album.
First MMFF experience.
Sa pagkakatanda nya, ito ang kanyang kauna-unahang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na pinagbibidahan ni Anne Curtis.
Isang elevated horror film ang “Aurora” na kinuhaan mismo sa Batanes.
Ang horror MMFF entry na ito ay kwento ng barkong “Aurora” na lumubog sa may Batanes. Kaabang-abang ang kanyang role.
Nabighani raw sya sa ganda ng Batanes na first time rin nya makatungtong sa lugar. Total experience para sa kanya ang MMFF entry na ito.
Share nya, first time nya makatrabaho si Anne na napaka-professional at hindi raw nya na-feel na malaking artista si Curtis. Mismong ang aktres pa raw ang gumagawa ng paraan para makipag-usap sa lahat ng artista sa pelikula.
Sa dami ng kanyang supporting actor awards, umaasa ba sya na maiiuwi nya ang acting award sa MMFF? Hindi ang kanyang sagot. Mismong mga tao na raw ang huhusga.
Ang mahalaga para kay Arnold ngayong taon ay hindi sya nawawalan ng proyekto.
Napapanood din sya tuwing hapon sa Kadenang Ginto sa ABS-CBN. Buo na rin ang kanyang 2018 dahil sa dream come true na travel abroad kasama ang kanyang ama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.