12 patay sa bank shootout sa Brazil

By Jimmy Tamayo December 08, 2018 - 09:37 AM

AP photo

Patay ang 12 katao kabilang ang anim na sibilyan sa madugong bank robbery sa Ceara State, Brazil.

Ayon sa ulat,  isang grupo ng armadong kalalakihan ang nagtangkang pagnakawan ang dalawang bangko sa Milagres.

Nagkaroon naman ng palitan nang putok sa pagitan ng mga bank robbers at rumespondeng pulis.

Kabilang sa namatay ay ang anim na suspek at ang anim na sibilyan na pinaniniwalaang magkakamag-anak na nasa sasakyan na hinay-jack ng grupo.

Dalawa sa kasamahan ng mga suspek ang naaaresto habang nakatakas naman ang iba pa.

Ang nasabing grupo ang itinuturong nasa likod ng serye ng bank robberies sa lugar kung saan kadalasang pinasasabog nito ang mga ATMs.

TAGS: bank robbery, Brazil, Ceara State, milagres, bank robbery, Brazil, Ceara State, milagres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.