Carpio: China hindi pwedeng angkinin ang WPS kapag pumayag sa joint exploration

By Den Macaranas December 08, 2018 - 09:17 AM

Inquirer file photo

Naniniwala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na mapapawi ang tensyon sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea kung matutuloy ang planong joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at China.

Kasabay nito ay sinabi ng opisyal na suportado niya ang kasunduan na nilagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Ipinaliwanag ni Carpio na kapag nagkaroon ng joint exploration ay magkakaroon ng hatian sa anumang makukuhang langis o natural gas sa lugar.

Hindi makukuha ang China ng buo ang nasabing mga mina dahil hindi na nila maaangkin na kanila ang nasabing lugar dahil sa pagpayag na pumasok sa kasunduan sa bansa.

Sa pamamagitan ng contract-type agreement ay mistulang inamin ng China na hindi talaga nila pag-aari ang mga pinag-aagawang mga isla ayon pa sa opisyal.

Sinabi pa ni Carpio na ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs ang gumawa ng draft para sa nasabing kasunduan.

Magugunitang si Carpio ay isa sa mga masigasig na nagsusulong ng karapatan ng bansa sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

TAGS: antonio carpio, China, DFA, joint oil exploration, philippines, West Philippine Sea, antonio carpio, China, DFA, joint oil exploration, philippines, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.