Pangulong Duterte namigay ng motorsiklo sa 3 pulis

Namigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng motorsiklo sa tatlong pulis na nanguna sa motorcycle riding course ng Yamaha motorcycles.

Pinangungahan ng pangulo ang closing ceremony ng naturang riding course sa Davao City.

Iginiit ng presidente na isang mahirap na trabaho ang motorcycle riding ngunit ang motorcycle riding cops anya ay ang unang rumeresponde sa mga emergency.

Nagpaalala naman ang punong ehekutibo sa mga pulis na huwag gamitin ang kanilang mga motorsiklo at iba pang gamit ng gobyerno para kumita ng pera.

Sinuman anya ang mahuli na gumagawa nito ay pananagutin.

Samantala, pinatitiyak naman ni Duterte sa Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang peace and order sa mga lansangan ng Davao City na anya’y unti-unti nang nagiging masikip sa dami ng tao at sasakyan.

Read more...