Ayon kay Barotac Nuevo Police Chief Insp. Joven Arevalo, gumamit ng ‘trowel’ o dulos ang ina sa paghiwa sa leeg ng kanyang anak.
Humiling ang asawa ng suspek na itago ang kanilang mga pagkakakilanlan.
Pinaniniwalaang nakararanas ng ‘depresyon’ ang babae.
Ayon kay Arevalo, sinabi ng asawa ng suspek na wala sa sarili ang ina at hindi mapakali.
Humiram anya ito ng dulos sa kanilang mga kamag-anak na ginamit para gilitan sa leeg ang anak.
Sa pag-uwi sa bahay ay tumambad sa lalaki ang kanyang anak na nasa lababo na may hiwa na sa leeg at nakatayo sa harap nito ang kanyang asawa na puno ng dugo sa bibig at damit.
Pinaniniwalaan ding ininom ng babae ang dugo ng kanilang anak.
Sa ngayon ay nakakulong ang babae sa Barotac Nuevo at inihahanda na ang mga kasong isasampa sa kanya dahil sa pamamaslang sa sariling anak.