Magnolia wagi muli kontra Alaska sa PBA finals

By Rhommel Balasbas December 08, 2018 - 01:25 AM

Muling nagpakitang gilas ang Magnolia at ipinanalo ang game 2 kontra Alaska sa iskor na 77-71 sa PBA Governors’ Cup Finals sa Araneta Coliseum kagabi.

Dahil dito umabante na sa 2-0 ang Magnolia sa best of 7 series.

Magugunitang nasungkit din ng koponan ang game 1 sa iskor na 100-84.

Para kay Hotshots head coach Chito Victolero, bagaman mas nalalapit na sila sa kampeonato ay hindi pa sila magdiriwang.

Magaganap ang susunod na laban ng dalawang koponan sa Linggo.

Nanguna para sa Magnolia si Romeo Travis na mayroong 24 points at nine rebounds.

Pinangunahan naman ni Mike Harris ang Alaska sa kanyang 22 points at 12 rebounds.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.