Joma Sison kinondena ang pag-aresto sa isang NDFP consultant

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2018 - 08:29 PM

Kinondena ni CPP founder Jose Maria Sison ang ginawang pag-aresto kay National Democratic Front of the Philippines peace consultant Rey Casambre.

Sa pahayag, sinabi ni Sison na ang pag-aresto kay Casambre ay isang halimbawa ng “injustice” na umiiral sa ilalim ng adminstrasyon ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Sison ang ginawang pagdakip kay Casambre ay paglabag sa kaniyang basic democratic rights na nagbibigay proteksyon sa kaniya laban sa arbitrary arrest.

Ani Sison biktima si Casambre ng pekeng reklamo at tinaniman pa ito ng ebidensya.

Tinawag din ni Sison na pag-atake sa peace process ang ginawang pagdakip sa consultant ng NDFP.

“His arrest is a violation of the continuing safety and immunity guarantees under Jasig and The Hague Joint Declaration,” ani Sison.

Si Casambre at kaniyang asawa ay naaresto sa Bacoor City, Biyernes ng umaga.

TAGS: Joma Sison, Radyo Inquirer, Joma Sison, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.