Rebelyon umiiral pa rin sa Mindanao kaya kailangang palawigin ang martial law – Malakanyang

By Dpna Dominguez-Cargullo December 07, 2018 - 07:23 PM

Ang umiiral pa ring rebelyon sa Mindanao ang dahilan kaya nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ng isang taon pa ang martial law sa rehiyon.

Sa pahayag kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na aprubahan ang martial law extension at ang suspensyon ng privilege ng writ of habeas corpus sa buong Mindanao sa loob ng isang taon.

Ayon kay Panelo, sa kasagsagan ng pag-iral ng martial law ay naging maayos ang progreso ng pagtugon sa rebelyon sa Mindanao at ang pagpapatupad ng seguridad at peace and order doon.

Gayunman, masasabing naroroon pa rin ang banta ng rebelyon kaya kailangan pa ang pag-iral ng martial law.

Nasa Kongreso na aniya ngayon ang pagpapasya kung aaprubahan ang hiling ng pangulo.

TAGS: Martial Law, Mindanao, panelo, Radyo Inquirer, Martial Law, Mindanao, panelo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.