Revilla nakalabas na ng custodial center
By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2018 - 06:47 PM
Matapos ang ilang taon na pagkakakulong, nakalabas na ng PNP custodial center sa Camp Crame si dating Senador Bong Revilla Jr.
Pasado alas 6:00 ng gabi nang makalabas na ng Camp Crame si Revilla.
Ayon kay Revilla nagpapasalamat siya na makalipas ang apat na taon ay makakauwi na rin siya.
Kasama ni Revilla ang maybahay na si Mayor Lani Mercado.
Inaasahan namang sasalubong kay Revilla sa Cavite ang kaniyang mga tagasuporta na mula pa kagabi ay nagvi-vigil na sa kanilang bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.