Release order ni Revilla inilabas na ng Sandiganbayan; dating senador pwede na ulit bumiyahe sa ibang bansa

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2018 - 06:04 PM SHARE(S):
Inquirer.net Photo

Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Senador Bong Revilla Jr., na muling makabiyahe sa ibang bansa matapos siyang mapawalang-sala sa kasong plunder.

Binawi na ng korte ang hold departure order na inilabas laban sa kaniya.

Ibig sabihin pwede na muling makapag-travel abroad ang dating senador.

Inilabas na rin ng Sandiganbayan ang release order kay Revilla.

Nagbayad na din kasi si Revilla ng piyansa para sa mga kaso niyang graft.

Si Revilla ay nakulong sa custodial center ng PNP sa Camp Crame mula pa noong 2014 dahil sa nasabing kaso.

 

TAGS: Bong Revilla, hold departure order, Bong Revilla, hold departure order

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.