BPI palalawigin ang banking hours mula sa susunod na linggo

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2018 - 05:36 PM SHARE(S):
Kuha ni Jomar Piquero

Palalawigin ng Bank of Philippine Islands (BPI) ang kanilang banking hours simula sa susunod na linggo.

Ito ay para mas maserbisyuhan ang kanilang mga kliyente ngayong holiday season.

Simula sa Dec. 10 hanggang sa Jan. 3, 2019, nasa 138 na BPI braches at 36 BPI Family Family Savings Bank branches ang magpapatupad ng extension sa kanilang operasyon.

Gagawin nang 9:00 ng umaga hanggang alas 5:30 ng hapon ang banking hours sa maraming branches.

Maliban pa dito, 61 BPI branches at 18 BPI Family Savings branches ang magbubukas sa Dec. 8, 15, 22 at 29 na pawang araw ng Sabado.

 

TAGS: banking hours, bpi, BUsiness, raydo inquirer, banking hours, bpi, BUsiness, raydo inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.