PT&T umaming bilyun-bilyon ang pagkakautang

By Ricky Brozas December 07, 2018 - 05:26 PM

Mismong ang presidente at chief executive officer ng Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T) na si James G. Velasquez ang umamin na bilyun-bilyon ang pagkakautang ng kumpanya.

Sa isinagawang Senate explanatory hearing kaugnay sa pagpili sa 3rd telco, ilang ulit tinanong ni Sen. Chiz Escudero si Velasquez kung magkano ba talaga ang kabuuang halaga ng pagkakautang ng kumpanya at magkano din ng assets nito.

Pag-amin ni Velasquez, P10 billion ang liabilities ng kumpanya at nasa halos P2 billion naman ang assets.

Dahil sa malaking pagkakautang, kinwestyon ni Escudero ang kakayahan ng PT&T na matugunanan ang P250 billion na requirement para sa third telco. Magugunitang hindi napili ang PT&T bilang third telco at sa halip ay ang MISLATEL ang hinirang NTC at DICT.

Ani Escudero, paanong makakatugon sa requirement ng DICT at NTC ang PT&T gayong nakararanas pala ito ng financial crisis habang ang kanilang rehabilitation plan case ay nakabinbin pa sa Supreme Court (SC).

Noong May 19, 2017, inaligtad ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng mababang korte na nagbibigay-daan sana para sumailalim sa rehabilitation ang kumpanya.

Ayon sa CA, ang rehabilitation plan ay makaaapekto sa creditors at sa publiko.

Iniapela naman ng PT&T sa Supreme Court (SC) ang naging pasya ng CA pero ibinasura lang din dahil sa kabiguan na makasunod sa reglementary period.

June 14, 2018 nang maghain sa SC ang PT&T ng motion of reconsideration at ngayon ay nakabinbin pa.

Batay sa annual report ng PT&T noong June 30, 2017 iniulat nito ang pagkakaroon ng mahigit P10 billion na total liabilities at 759 million lang na total assets.

TAGS: BUsiness, Radyo Inquirer, SC, BUsiness, Radyo Inquirer, SC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.