Akusasyon ni Sen. Lacson sa budget insertions sa Kamara, sinagot ni Rep. Andaya

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas December 07, 2018 - 05:03 PM SHARE(S):
Inquirer File Photo

Patas na pondo ang utos ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa appropriations committe ng Kamara.

Ito ang inihayag ni House Majority Leader Rolando Andaya ng 1st district ng Camarines Sur.

Ayon kay Andaya, base sa pagkakatanda niya, malinaw ang naging pahayag ni Arroyo na bigyan ng equal funding ang bawat distritong nasasakupan ng mga mambabatas.

Itinanggi din ni Andaya ang pahayag ni Senator Lacson na tiniyak ni Arroyo ang pagkakaroon ng dadgag na pondo sa kaniyang distrito.

Katunayan ani Andaya, hinimok niya pa nga ang appropriations committee na iwasan ang pagkakaroon ng insertions sa budget nang hindi nasasabihan o naipapaalam sa senado.

Tiniyak naman ni Andaya na tutulong ang liderato ng Kamara sa Senado sa pag-analisa sa 2019 budget at para malinawan ang mga isyu.

Samantala, sinabi naman ni House Appropriations Committtee Senior Vice Chair Maria Carmen Zamora na walang katotohanan sa mga alegasyon ni Lacson.

Ani Zamora hindi rin niya alam kung saan nakuha ni Lacson ang mga inilabas niyang figures.

TAGS: House of Representatives, raydo inquirer, Rolando Andaya, House of Representatives, raydo inquirer, Rolando Andaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.