Sa pagdating ng Momoland, Business mogul RS Francisco pinasaya ang Pinoy fans

By Josh Mercado-Wow It's Showbiz December 07, 2018 - 04:49 PM SHARE(S):
Kuha ni Josh Mercado

Libreng meet and greet ang alay ng Frontrow president na si RS Francisco sa Pinoy fans ng sikat na Korean Pop group na Momoland. Dinagsa ang venue ng mga nangangarap na makita ang sikat na grupo.

Parte na ng Frontrow family ang all-female group bilang brand endorsers dahil pormal na silang ipinakilala ng business partners na sina RS at Sam Versoza.

Masayang masaya si RS sa pagtanggap ng Momoland sa imbitasyon na ma-meet ang Pinoy fans, lalo na ang mga miyembro ng multi-level marketig company.

Bukod sa sikat na moves at awitin ng grupo mula sa Korea, ibinahagi rin ng Frontrow president na mahilig tumulong ang grupo kaya nakahanda na ang mga charitable activities.

Kinagigiliwan online ang mga videos ng Korean pop group na humahataw sa million views kaya’t naisipin ni RS na kunin silang endorsers. Kilala rin sa bansa ang grupo at may strong following.

Excited ang actor-businessman sa photoshoot at endorsement shoot kasama ang sikat na grupo. Tuwang tuwa rin sya sa mga Filipino words na natututunan ng grupo.

Sa presscon nga ay nagsalita ang Momoland ng ilang Filipino words. Masaya at nagpapasalamat ang grupo kay RS sa ginawa nitong pagkuha sa kanila.

“Thank you for welcoming us,” pahayag ng isa sa mga members ng Momoland.

Marami pang surprises ang business owner para sa lahat ng loyal members ng Frontrow. Ang mahalaga raw para kay RS ay nagagawa nyang makatulong sa mga tao. Ngayong darating na pasko, gusto rin nyang marami pa syang mapasayang tao.

TAGS: frontrow, Momoland, Radyo Inquirer, frontrow, Momoland, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.