WATCH: Mayoralty bet sa Marilao, Bulacan naaresto na ng mga pulis matapos ang halos 20-oras na standoff

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2018 - 04:19 PM

Matapos naman ang Halos 20-oras ang standoff sa pagitan ng mga otoridad sa Marilao, Bulacan at mayoralty bet Andre Santos nagpasya na ang mga tauhan ng SWAT na pasukin ang kaniyang bahay.

Naghagis muna ng teargas ang mga pulis, at sunud-sunod na putok ang narinig sa lugar.

Matapos ito magkakasunod nang pumasok ang mga tauhan ng SWAT sa bahay ni Santos.

Kahit napasok na siya sa bahay, sinubukan pa ring tumakas ni Santos at sa bubungan na ito inabutan ng mga pulis at doon na siya agad pinosasan.

Ang kaso ni Santos ay nag-ugat sa umano ay pagkakautang nito sa isang gambling lord.

TAGS: Andre santos, Marilao Bulacan, Andre santos, Marilao Bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.