Mayoral candidate sa Bulacan nagkulong sa bahay para makaiwas sa pag- aresto ng mga pulis
Nagkukulong sa loob ng kaniyang bahay ang isang mayoral candidate ng Marilao sa lalawigan ng Bulacan simula pa Huwebes, Dec. 6 ng gabi.
Tumanggi si Andre Santos na harapin ang mga otoridad na nasa labas ng kaniyang bahay na magsisilbi sa kaniya ng warrant of arrest sa kasong qualified theft.
Hindi naman siya mapasok ng mga otoridad dahil armado umano ito at mayroon pang granada.
Kinordonan na ng mga pulis ang palibot ng bahay ni Santos.
Nagagawa pang mag-FB live ni Santos habang siya ay nagkukulong sa kaniyang bahay at nasa labas naman ang mga otoridad.
Emosyonal si Santos sa mga video na kaniyang ipino-post sa Facebook habang siya ay nagkukulong sa kaniyang bahay.
Sa kaniyang FB page, marami ang nananawagan kay Santos na sumuko na lang ito para maiwasan na ang gulo.
Ayon kay Supt. Ricardo Pangan, Marilao police chief, alas 8:00 ng gabi pa ng Huwebes dapt isisilbi ng kaniyang mga tauhan ang warrant of arrest na inilabas ng Paranaque regional trial court laban kay Santos.
Pero nagkulong ito sa bahay at base sa ipinakikita nito ay emotionally disturbed aniya si Santos.
Si Santos ay dating konsehal ng bayan at natalo ito noong 2016 elections kay incumbent Vice Mayor Henry Lutao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.