Dating Sen. Bong Revilla balik muna sa Camp Crame

By Isa Umali December 07, 2018 - 01:03 PM

PDI PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Balik muna sa Camp Crame si dating Senador Bong Revilla, matapos na ma-acquit sa kasong plunder, kaugnay sa Pork Barrel scam.

Sumailalim si Revilla sa medical check-up, bago mapalabas sa PNP Custodial Center.

Ayon kay PNP Crime Lab Medico Legal Division Chief Joseph Palmero, tiningnan ang vital signs at blood pressure ni Revilla.

Sa mga oras na ito ay hinihintay pa ang release order para sa kalayaan ni Revilla.

Kaugnay nito, sinabi ng abogado ni Revilla na si Atty. Ramon Esguerra na maghahain sila ng Motion for Reconsideration o MR kaugnay sa kautusan na ibalik ang nasa P124.5 million na civil liability.

Aniya, paano naging civil liable ang kanyang kliyente gayung abswelto na ito sa kasong kriminal.

Maghahain din ng MR sa korte ang abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David dahil sa guilty verdict ng Sandiganbayan.

Samantala, ayon kay Ombudsman Samuel Martires, kung pagbabatayan ang batas, hindi na mai-aapela ang isang “judgment of acquittal.”

Pero ang prosekusyon ay pag-aaralan kung ano ang susunod nilang hakbang matapos ang pagkakalusot ni Revilla sa plunder case.

TAGS: Bong Revilla, Camp Crame, Radyo Inquirer, Bong Revilla, Camp Crame, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.