Isa pang NDFP consultant at kaniyang misis inaresto sa Cavite

By Jan Escosio December 07, 2018 - 11:48 AM

FB Photo

Inaresto ng mga tauhan ng PNP – CIDG si Rey Claro Casambre, isang consultant ng National Democratic Front of the Philippines at ang misis nitong si Patricia sa Cavite kaninang madaling araw.

Sinabi ni CIDG director, Chief Supt. Amador Corpus, isinilbi nila kay Casambre ang mga warrants of arrest para sa mga kasong murder at attempted murder sa Davao Oriental.

Dagdag pa ni Corpus nakumpiskahan ng mga baril, bala at granada ang mag-asawa nang sila ay maaresto habang sakay ng kanilang sasakyan.

Ang mga ito aniya ay gagamitin bilang ebidensiya para sa isasampang mga bagong kaso laban kay Casambre at maging sa kanyang maybahay.

Nasa opisina na ng CIDG sa Camp Crame ang mag asawa.

Nagsisilbi din executive director ng Philippine Peace Center si Casambre.

Noong nakaraang buwan, inaresto din ang isa pang consultant ng NDFP na si Vic Ladlad kasama din ang misis nito.

 

TAGS: CPP, ndfp, NPA, Rey Casambre, CPP, ndfp, NPA, Rey Casambre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.