Pagdidiin ni Poe sa diskarteng ito ng LTFRB ay nakakadagdag pa sa masalimuot ng sitwasyon ng trapiko.
Aniya nakasanayan na ng ahensiya na hindi na muna dinggin ang panig ng public utility vehicle o PUV operators, drivers at maging ang mga pasahero kayat hindi nila nauunawaan ng buo ang sitwasyon.
Nadiskubre ito ng senadora nang magsagawa ng pagdinig sa Senado ang pinamumunuan niyang Committee on Public Services ukol sa operasyon ng Paranaque Integrated Terminal Exchange na nagging daan para mabunyag ang mga isyu ukol sa ruta at prangkisa.
Noong nakaraang linggo, maraming pasahero ang na-stranded ng tatlong oras sa paghihintay ng masasakyang bus sa terminal, gayung may mga bus na walang laman ang umiikot sa mga lansangan para maghanap ng mga pasahero.
Ayon kay Poe, tila hindi alam ng LTFRB ang sinasabing law of supply and demand dahil sa palpak na pagtatalaga ng ruta at pagbibigay ng prangkisa.