15 babae, kabilang ang 5 menor de edad nailigtas sa isang KTV bar sa Cainta
Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center ang labinglimang mga babae kabilang na ang limang menor de edad sa isang KTV Bar sa Cainta, Rizal.
Nadakip sa ikinasang entrapment operation ang mga suspek na sina Jun Espiritu at Yvonne Mahinay.
Nakuha sa kanilang ang P9,000 na halaga ng marked money bilang kabayaran dapat sa dalawang menor de edad ng dalawang pulis na nagpanggap na customer.
Ayon kay Chief Supt. William Macavinta, hepe ng PNP-WCPC, ang dalawang suspek na bugaw ay iniaalok ang mga babae sa mga parokyano ng KTV bar para dalhin sa kalapit na motel.
Nasa pagitan ng P3,000 hanggang P8,000 ang ibinabayad sa bawat babaeng mailalabas.
Katwiran ng dalawang suspek, tinutulungan lamang nila ang mga babae na kailangan umano ng pambayad sa tuition.
Ang dalawang suspek ay sasampahan ng reklamong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Anti Child Abuse Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.