Hatol ng Sandiganbayan inaasahan na ni dating Sen. Bong Revilla

By Isa Umali December 07, 2018 - 11:15 AM SHARE(S):
PDI PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Inaasahan na ni dating Senador Bong Revilla Jr., ang naging hatol ng Sandiganbayan 1st division.

Sa maiksing pahayag matapos ang naging desisyon ng anti-graft court sinabi ni Revilla na inasahan niya ang not-guilty verdict.

Sinabi ni Revilla na wala naman kasi siyang kasalanan.

Kasabay nito, nagpasalamat si Revilla sa mga sumuporta sa kaniya.

Sinabi rin niyang ngayong nakamit na niya ang hustisya ay maitutuloy na niya ang laban.

Si Revilla ay naghain ng kaniyang certificate of candidacy para muling tumakbo sa 2019 midterm elections.

TAGS: Bong Revilla, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Bong Revilla, Radyo Inquirer, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.