Sa inilabas na pahayag ng partidong-komunista, epektibo alas-12:01 ng umaga ng Disyembre 24 hanggang bago mag-hatinggabi ng Disyembre 26 ang idineklara nilang tigil putukan.
Muli itong ipapatupad alas-12:01 ng umaga ng Disyembre 31 hanggang 11:59 ng gabi ng unang araw ng 2019.
Ayon sa CPP – Central Committee habang umiiral ang ceasefire, hindi magsasagawa ang NPA ng kanilang opensiba laban sa puwersa ng gobyerno.
Ngunit maaring bawiin ang deklarasyon ng tigil-putukan kung paiigtingin ng military ang kanilang mga operasyon laban sa kilusan.
Samantala, kasabay nang ika-50 taon ng pagkakatatag ng CPP, nanawagan ito na paigtingin ang pagtutol sa administrasyong-Duterte at hinihikayat ang kanilang mga tagasuportana magsagawa ng malawakang kilos-protesta.