Lalaking hinipuan ang nakatabing 16-anyos na babae sa bus, arestado

By Jan Escosio December 07, 2018 - 10:37 AM SHARE(S):
Contributed Photo

Matapos molestyahin ang isang Grade 11 student, humihimas na ngayon ng rehas ang isang lalaki.

Sa salaysay ng 16-anyos na biktima na residente ng Caloocan City, pauwi na siya at sumakay ng isang bus sa SM North EDSA alas-4:30 ng hapon ng Huwebes.

Umupo siya sa tabi ng suspek na nakilalang si Mark Leal, 25 anyos at nakatira sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Sa patuloy na pagkukuwento ng dalagita, unang hinawakan ng suspek ang kanyang braso at nang nagtulugtulugan siya ay hinimas na ang kanyang dibdib.

Kasunod nito, ikiniskis pa umano ni Leal ang hita nito sa hita ng biktima.

Sa tagpong ito, nagpasaklolo na ang biktima at ipinaaresto si Leal sa mga nagpapapatrulyang pulis.

Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness alinsunod sa Child Abuse Law si Leal.

TAGS: acts of lasciviousness, quezon city, acts of lasciviousness, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.