Revilla naglagak ng piyansa sa kasong graft; release order na lang ng korte ang hinihintay para sa kaniyang kalayaan

By Isa Umali December 07, 2018 - 10:25 AM SHARE(S):
PDI PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Naglagak ng piyansa si dating Sen. Bong Revilla sa kinakaharap na kasong graft na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Labing-anim na bilang ang kinakaharap na kasong graft ni Revilla, bukod pa ang plunder case niya kung saan siya napawalang-sala.

Matapos makapagpiyansa ay ibabalik muna sa Camp Crame si Revilla para sumailalim sa medical examinations.

Sa Camp Crame na aantayin ni Revilla ang kaniyang release order.

Sa National Bilibid Prisons (NBP) naman na dadalhin si Richard Cambe matapos mahatulang guilty.

Habang si Napoles ay mananatili naman sa kaniyang kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

TAGS: Bong Revilla, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Bong Revilla, Radyo Inquirer, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.