Nasawi sa lambanog sa QC nadagdagan pa; isa sa mga ginagamot sa ospital ang pumanaw

By Jan Escosio December 07, 2018 - 10:07 AM SHARE(S):

Pumanaw na rin ang isa pang miyembro ng isang TODA sa Novaliches, Quezon City na kabilang sa mga hinihinalang nalason sa ininom nilang lambanog.

Alas 11:00 ng gabi ng Huwebes nang malagutan ng hininga ang 47-anyos na si Alfredo Cuadra sa East Avenue Medical Center.

May dalawa pang tricycle drivers ang ginagamot ngayon sa naturang ospital na sina sina Renato Nonato at Alfredo Concepcion.

Unang nasawi sina Dennis Cuadra, Crispulo Mateo, Alvin Reyes, at Delfin Bayangos.

Sa paunang ulat, isang grupo ng 20 miyembro ng San Bartolome TODA ang nagtagayan ng lambanog at halos sabay sabay silang dumaing ng pananakit ng tiyan at matinding pagkahilo.

Iniimbestigahan na ng Food and Drug Administration ang insidente, samantalang patuloy din ang pag-iimbestiga ng pulisya.

TAGS: lambanog, Novaliches, quezon city, lambanog, Novaliches, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.