Dating Sen. Bong Revilla inabswelto sa kasong plunder ng Sandiganbayan
(UPDATED: Pinawalang-sala ng Sandiganbayan 1st division si dating Senador Bong Revilla Jr. sa kinakaharap nitong kasong plunder.
Sa hatol ng 1st division, abswelto ang dating senador sa kasong may kaugnayan sa maanomalyang paggamit ng kaniyang pork barrel fund.
Hinatulan namang guilty sa nasabing kaso sina Janet Lim-Napoles at ang dating staff ni Revilla na si Richard Cambe.
Parusang hamabuhay na pagkakabilanggo ang ipinataw ng korte kina Napoles at Cambe.
Kasabay ng ibinabang hatol inatasan ng korte sina Revilla, Napoles at Cambe na magbayad ng P124.5 million na civil liability na kailangan niyang ibalik sa national treasury.
Gayunman, iaapela pa ito ng kampo ng dating senador.
Sa rekord ng kaso, si Revilla ay inakusahang nagbulsa ng mahigit P200 million kickbacks sa pagpapagamit ng kanyang pork barrel funds sa bogus non-government organization o NGO ni Napoles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.