2 hinihinalang tulak ng ilegal na droga patay sa buy-bust sa Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2018 - 09:51 AM SHARE(S):
Police banner

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nasawi sa buy-bust operation na isinagawa sa Cavite City.

Ikinasa ng mga tauhan ng Cavite City police ang operasyon sa bahagi ng Barangay 28, Biyernes ng umaga.

Ayon sa mga otoridad, nanlaban umano ang suspek na sina Alex Quijano at Christopher Bermudez nang matunugan na pulis ang kanilang katransaksyon.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang dalawa ay miyembro ng “Scorpion Crime Group” na sangkot sa mga insidente ng krimen sa lungsod.

TAGS: buy bust operatrion, Cavite City, Radyo Inquirer, buy bust operatrion, Cavite City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.