Mga nagpaparenta ng bahay sa mga subdivision pinag-iingat ng NCRPO

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2018 - 09:42 AM

NCRPO Photo

Pinag-iingat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga nagpaparenta ng bahay lalo na sa mga malalaking subdivision sa Metro Manila kasunod ng pagkakatuklas sa isang shabu laboratory sa North Greenhills sa San Juan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NCRPO chief, Police Director Guillermo Eleazar na responsibilidad ng may-ari ng isang bahay na alamin ang background ng mga nagrerenta sa kanilang property.

Sinabi ni Eleazar na bilang may-ari ng pinauupahang bahay dapat ay inaalam nila ang kilos at aktibidad ng mga umuupa.

“Ang panawagan ng ating ay ang community participation and support. Kahit saan naman, kahit sa internal cleansing natin, ang importante ay ang tulong ng ating mga kababayan. Sa mga subdivision, ang sinasabi nga natin, ang mga may-ari ng properties, bahay na pinaprenta, you still have the responsibilty or obligation at accountability na malaman mo kung ano ang nangyayari dyan. Dapat from time to time nache-check po iyan. Sino ba nagrenta diyan, baka may foreigner diyan na hindi mo alam kung ano ang mga ginagawa,” ani Eleazar.

Sinabi ni Eleazar na maging ang security ng mga subdivision at homeowners ay dapat ding maging mapagbantay sa mga nagrerenta ng bahay, lalo na kung mga dayuhan na kahina-hinala.

Kung mapatutunayang nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga may-ari ng bahay na nirentahan ng mga dayuhang sangkot sa ilegal na droga ay maaring imbestigahan din sila ng pulisya.

Malaking bagay din ayon kay Eleazar ang tulong at sumbong ng mga residente sa isang komunidad upang ang PNP ay makagawa ng hakbang at makapagsimula ng imbestigasyon.

 

TAGS: Illegal Drugs, NCRPO, Posh Villages, Radyo Inquirer, Illegal Drugs, NCRPO, Posh Villages, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.