Manila police, nakipagdayalogo sa mga Muslim leader sa Maynila

By Ricky Brozas December 07, 2018 - 08:42 AM SHARE(S):

Nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng Muslim leaders at Manila Police District sa Maynila.

Sa ginawang dayalogo ipinakita ang pakikiisa ng mga lider ng muslim community patungkol sa kampanya laban sa krimen.

Layon nito na makatiyak na ligtas at payapa ang lungsod ng Maynila.

Samantala, mula alas 11 ngayong umaga ng Biyernes, hanggang hapon ay magsasagawa ng prayer rally sa Golden Mosque para sa idaraos na plebisito sa Enero 2019.

Ito ay upang ganap na maisakatuparan ang bangsamoro organic law o BOL.

Inaasahang dadalo ang mga kilalang personalidad na sumusuporta sa BOL sa prayer rally.

TAGS: manila, manila police, Muslim Leaders, manila, manila police, Muslim Leaders

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.