LOOK: Impersonator ni Bong Revilla pinagkaguluhan sa labas ng Sandiganbayan

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2018 - 08:23 AM SHARE(S):
Kuha ni Richard Garcia

Kasabay ng pagbaba ng hatol ng Sandiganbayan sa kasong plunder ni dating Sen. Bong Revilla Jr., agaw-pansin naman ang impersonator na kamukhang-kamukha nito.

Sa labas ng Sandiganbayan pinagkaguluhan ng mga tagasuporta ni Revilla ang naturang impersonator.

Ayon sa 42 anyos na si Esmeraldo Valencerina, anim na taon na niyang ini-impersonate si Revilla.

Nakasuot ng polo at vest si Valencerina na lumapit pa sa mga tagasuporta para sila ay batiin.

Ang promugation kay Revilla ay sinabayan din ng pagkilos ng kaniyang mga tagasuporta.

Bitbit ng supporters ang mga dalang larawan ni Revilla noong siya ay gumanap bilang Panday, Indio at ‘Kap’ o Kapitan.

Kabilang sa mga dumating sa Sandiganbayan para magpakita ng suporta kay Revilla ay ang mga miyembro ng Stuntmen Association of the Philippines.

TAGS: Bong Revilla, impersonator, sandiganbayan, Bong Revilla, impersonator, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.