NTC ginawaran ng FOI award
Tumanggap ng FOI award ang National Telecommunications Commission (NTC) sa katatapos na Freedom of Information (FOI) Summit na ginanap sa Maynila.
Ang parangal ay ipinagkaloob ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa NTC matapos nitong talunin ang aabot sa 347 na iba pang ahensya ng gobyerno sa usapin ng pagiging transparent at pagsunod sa isinasaad sa FOI program ng pamahalaan.
Ayon sa NTC, mula nang ipatupad ang FOI program, umabot sa 97 na reklamo o hiling mula sa publiko ang kanilang naaksyunan sa loob lamang ng 15-araw na itinatakdang deadline sa FOI.
Binati naman ni NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba ang buong NTC family dahil sa tinanggap na pagkilala.
Tiniyak din ni Cordoba na itutuloy ng NTC ang pagsunod sa naisin ni Pangulong Duterte na magkaroon ng transparency sa lahat ng ahensya ng gobyerno.
Sa pagbibigay ng parangal, sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar ang pagsusulong sa FOI ay paglaban din sa disinformation,at fake news.
Taun-taon nang gagawin ang FOI Summit and Awards bilang pagkilala sa mga ahensyang maayos na nakapagpapatupad nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.