Dating Sen. Bong Revilla nasa Sandiganbayan na para sa promulgation sa kaniyang kasong plunder

By Isa Umali December 07, 2018 - 07:52 AM

PDI PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa palibot ng Sandiganbayan sa Quezon City kaugnay sa gagawing promulgation sa kasong plunder ni dating Sen. Bong Revilla Jr. ngayong araw.

Maagang umalis sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ang convoy na naghatid kay Revilla sa Sandiganbayan.

Personal na dadaluhan ni Revilla ang prmulgation na nakatakda alas 8:30 ng umaga.

Maliban kay Revilla, hahatulan na rin ang tinaguriang Pork Barrel scam queen na si Janet Lim Napoles at tatlong iba pa.

Si Revilla ay inakusahang nagbulsa ng mahigit P200 million kickbacks sa pagpapagamit ng kanyang pork barel funds sa bogus non-government organization o NGO ni Napoles.

Dahil sa mahigpit na seguridad limitado lamang ang makakapasok sa loob ng Sandiganbayan building.

Ang QCPD naman, nagpakalat ng nasa 300 police personnel para sa umagang ito.

TAGS: Bong Revilla Jr, Plunder case, promulgation, Radyo Inquirer, Bong Revilla Jr, Plunder case, promulgation, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.