Sa unang operasyon ng MPD, alas 9:30 ng gabi ng Huwebes sa Malate, kabilang sa mga naaresto ang suspek na Cherry Sumpay, 20-anyos at Jonathan Ning, 43 anyos.
Ang dalawang suspek ay nakuhanan ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Sa Binondo naman, alas 10:30 ng gabi nang madakip ang mga supek sina Arturo Arteta, 56-anyuos; Alice Arteta, 56-anyos; Erickson Andres, 32-anyos; at Normita Naval, 34-amyos.
Nakuha naman sa kanila ang tatlong piraso ng maliliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Pasado alas 2:00 naman ng madaling araw ng Biyernes ng arestuhin sa anti-criminality operation sa San Miguel Road, Binondo sina Richard Gariando, 29-anyos; Antonio Obregon, – 30 anyos at Aldrin Bodullo, 24-anyos.
Ang tatlong suspek ay unang hinuli dahil sa pagka-cara y cruz pero nang kapkapan ay nakuhanan sila ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu.
Sasailalim sa inquest proceeding sa Manila City Prosecutors Office ngayong araw ang mga suspek.
Sa naturang operasyon, umabot sa 210 na katao ang pinagdadampot ng MPD dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa ng Maynila gaya ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, pag-inom ng alak sa kalye at paglalakad sa lansangan na walang suot na pang-itaas o nakahubad.