US Marine patay, 5 pa ang nawawala sa banggaan ng dalawang military aircraft sa Japan

December 07, 2018 - 06:27 AM SHARE(S):
U.S. Marine Corps Air Station Iwakuni in Japan.

Isa na ang kumpirmadong nasawi habang nawawala ang limang iba pa sa banggaan ng dalawang US military aircraft sa Japan.

Naganap ang banggaan sa kasagsagan ng refuelling exercise ng dalawang Marine Corps aircraft.

Pitong US Marines ang sakay ng dalawang eroplano, ang isa ay natagpuang wala nang buhay, habang ang isa ay ligtas ang kondisyon.

Pinaghahanap naman ngayon ang limang iba pang nawawala.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni US President Donald Trump na dalangin niya ang mailigtas ang mga nawawala pang crew.

Nagpasalamat din ito sa tulong na ibinibigay ng Japan para sa search and rescue operations.

TAGS: Marine Corps aircraft, Radyo Inquirer, US military aircraft, Marine Corps aircraft, Radyo Inquirer, US military aircraft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.