WATCH: Mga kabataan sa mga lugar na sasakupin ng BOL, dadalo sa plebisito – survey

Lumabas sa survey ng non-government organization (NGO) na International Alert Philippines na karamihan ng mga kabataan na sasakupin ng Bangsamoro Organic Law (BOL) ay makikilahok sa plebisito at boboto ng ‘yes’.

Ayon kay Nikki dela Rosa na siyang Alerts Country Manager, sa 614 na katao na na-survey nila, 89.4% ng mga respondent na may edad 18 hanggang 35 ay pabor sa BOL.

Kabilang sa mga lugar na sinailalim nila sa survey ang mga area ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), lungsod ng Isabela at Cotabato at mga bayan ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan, at Tangkal sa Lanao del Norte at anim na bayan ng North Cotabato.

Ginawa ang survey mula October 29 hanggang November 19.

Sa unang buwan ng taong 2019 gagawin ang plebisito at pagpapasyahan ng mga taga-Mindanao ang kanilang kinabukasan.

Read more...