WATCH: Shabu laboratory sa San Juan, sinalakay ng PNP

By Jong Manlapaz December 07, 2018 - 12:00 AM SHARE(S):

Sinalakay ng mga pinagsanib na unit ng Philippine National Police (PNP) ang isang bahay sa isang exclusive subdivision sa North Greenhills, San Juan City, sa bisa ng search warrant mula kay Judge Danilo Cruz ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 152.

Tumambad sa mga otoridad ang laboratoryo ng shabu na kayang makagawa ng 30 kilo ng shabu, na nagkakahalaga ng P204 milyon sa isang lutuan.

Kabilang sa mga nakumpiska ang mga hinihinalang iba’t ibang kemikal at mga kagamitan sa pagluluto ng shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.