Information caravan paiigtingin pa ng PCOO

By Chona Yu December 07, 2018 - 12:40 AM SHARE(S):

Lalo pang palalakasin ng Presidential Communiations Operations Office (PCOO) ang information caravan para mapalaganap sa publiko ang mga programang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, tuloy ang kanilang pakikipag-usap sa iba’t ibang press club sa buong bansa.

Ilan sa mga napuntahan na ng PCOO ang Cagayan de Oro, Cebu, at mga media organizations sa Metro Manila.

Target aniya ng caravan na malabanan ang mga fake news at disinformation.

May mga ibinibigay din aniya na media handbook for personal security ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) para sa mga kagawad ng media.

Kinumpirma din ni Andanar na kasama din sa kanilang caravan ang information campaign hinggil sa pederalismo na isinusulong ni Pangulong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.