Pangulong Duterte hindi papatulan ang hamong magpa-drug test

By Chona Yu December 07, 2018 - 02:01 AM SHARE(S):

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na patulan ang hamon ni Senador Antonio Trillanes IV na sumailalim sa drug test.

Tugon ito ng Palasyo ng Malacañan sa hamon ni Trillanes na sumailalim sa drug test ang pangulo matapos magbiro na gumagamit siya ng marijuana.

Bwelta ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, si Trillanes ang dapat na sumailalim sa drug test.

Nakapagtataka ayon kay Panelo at pinapatulan pa ng media ang mga pahayag ni Trillanes.

Makikita naman aniya na malakas ang lagay ng kalusugan ng pangulo at kapag may diprensya sa kanyang katawan ay agad namang isinasapubliko.

“Nagtataka nga ako bakit pinapatulan ninyo siya eh. Hindi kailangan, eh talaga namang—look at this person, this President, malakas. Sinasabi naman niya naman sa atin kung ano ang diperensiya niya eh,” ayon kay Panelo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.