Malacañan tiwalang maililipat sa pederalismo ang porma ng pamahalaan

By Chona Yu December 06, 2018 - 11:47 PM SHARE(S):

Kumpiyansa pa rin ang Palasyo ng Malacañan na may pag-asa pang maitulak ang charter change sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ng mga mambababatas na wala nang pag-asang mabago ang kasalukuyang porma ng gobyerno tungo sa pederalismo sa 17th Congress.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, may mga susunod pa namang sesyon ang kongreso.

“Well, kung wala nang pag-asa ngayong December, eh nandiyan naman iyong susunod na session, eh di mayroon pa rin,” paliwanag ni Panelo

Bukod dito, sinabi ni Panelo na mahaba pa ang termino ni Pangulong Duterte dahil sa July 2022 pa matatapos ang kanyang termino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.