Rehabilitation efforts sa Marawi ipinasisilip ni Speaker GMA sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon December 06, 2018 - 10:38 PM SHARE(S):

Ipinag-utos ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa House Committee on Disaster Management na silipin ang ginagawang rehabilitation efforts ng pamahalaan sa Marawi City.

Partikular na nais malaman ng lider ng Kamara ang development ng rehabilitasyon sa Marawi City, partikular ang status sa housing development para sa mga biktima ng giyera.

Kabilang sa priority agenda ng komite ay ang gagawing ocular inspection sa Marawi City sa December 10.

Sa nasabing araw, bibisitahin ng komite ang resettlement area at titingnan ang kasalukuyang kalagayan ng mga residente doon.

Katuwang din sa gagawing pagbisita ng Kamara ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siya namang tutugon sa psychosocial effects at relief distribution sa mga biktima ng armed conflict.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.