Pangulong Duterte sa mga Katoliko: “Huwag magpaloko sa relihiyon”

By Chona Yu December 07, 2018 - 12:12 AM

Stay with God at huwag magpaloko sa relihiyon.

Ito ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Katoliko sa bansa.

Inirekomenda pa ng pangulo sa mga Katoliko na basahin ang librong ‘Secret of the Altar’ na isinulat ng namayapang si Aries Rufo.

Ayon sa pangulo, kapag nabasa ng publiko ang libro, tiyak na kinabukasn ay hindi na sila mga Katoliko.

Ikinadidismaya ng pangulo ang mga banat ng mga pari gamit ang pulpito.

Kung demonyo aniya ang tawag sa kanya ng pari, ano naman ang maitatawag sa mga pari na nasasangkot sa anomalya o iba pang kontrobersiya.

Kinakailangan aniya na mag-shapeup na ang mga pari at umayos na dahil tiyak na mababasa ng mga susunod na henerasyon ang mga dokumento na naglalaman ng mga anomalya na kinasasangkutan ng mga pari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.