Business confidence sa Pilipinas, less optimistic sa Q4 ng 2018 — BSP

Nanatiling less optimistic ang business confidence sa ekonomiya ng Pilipinas sa 4th quarter ng 2018.

Ito ang lumabas sa Business Expectation Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Base sa ulat na inilabas ng BSP, bumagsak sa 27.2% ang overall confidence index para sa Oktubre hanggang Disyembre.

Mas mababa ito sa 30.1% na naitala noong 3rd quarter ng taon.

Ayon sa Department of Economic Statistics ng BSP, kabilang sa dahilan ng mababang outlook sa ekonomiya ay dahil sa mataas na inflation, mahinang piso, mataas na interest rates, mababang volume ng sales at order, at kawalan ng raw materials supply.

Read more...