Cast ng ‘Bagets’ nagkaroon ng reunion

By Justinne Punsalang December 07, 2018 - 12:35 AM SHARE(S):
Cheska Iñigo

Nagsama-sama sa isang mini-reunion ang ilan sa mga cast ng 1984 movie na ‘Bagets.’

Sa kani-kanilang Instagram accounts ay ibinahagi nina Eula Valdes, Cheska Iñigo, Monching Gutierrez, Yayo Aguila, at Raymond Lauchengco ang litrato ng kanilang pagkikita.

Kasama sa mini-reunion si Quezon City Mayor Herbert Bautista, at asawa ni Raymond na si Mia.

Bagaman 34 na taon na ang nakararaan mula ng gawin nila ang pelikula ay hanggang ngayon ay nanatili ang kanilang pagkakaibigan.

Wala naman sa mini-reunion ang iba pang mga cast ng ‘Bagets’ tulad nina Aga Muhlach, William Martinez, JC Bonnin, at Jobelle Salvador.

Lubos namang ikinatuwa ng mga netizens at fans ang pagsasama-sama ng anim. Isa pa nga sa mga ito ay humiling ng sequel sa pelikula.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.